
BES nasungkit ang 3rd Place Best Performing School
Napanatili ng Bukandala Elementary School ang ikatlong pwesto bilang Best Performing School sa 2016 Division Schools Press Conference na ginanap sa Cayetano Topacio Elem. School, Oktubre 10-11, 19.
Kabilang sa tagumpay ng BES ang unang pwesto sa Editorial Cartooning (English at Filipino) nina Wilson D. Salinio at Japhet Emmanuel Ortiz, ikalawang pwesto sa Pagsulat ng Balitang Agham (Filipino) ni Morris P. Tan, ikalimang pwesto sa Copyreading and Headline Writing(English), ika-anim na pwesto sa Photojournalism (Filipino) ni Nicole Fajilan at ikapitong pwesto naman sa Editorial Writing (English) ni Ranessa Leigh Totanes.
Sa group contest, nakuha din ng Bukandala ang ikalawang pwesto (Filipino) at ikatlong pwesto (English) sa Collaborative Publishing, ikatlong pwesto(English) at ikalimang pwesto(Filipino) sa Radio Broadcasting.
Ikinatuwa naman ni Gng. Marcelina D. Naputo, punongguro, ang nakamit ng mga mag-aaral at hinikayat ang mga tagapagsanay na pag-ibayuhin ang pagsasanay sa darating na Regional Schools Press Conference.
Nagpasalamat naman ang mga mag-aaral at mga tagapagsanay sa suportang ibigay ni Gng. Naputo at nangakong gagawin ang lahat upang muling makapagbigay ng karangalan para sa paaralan sa darating na RSPC na gaganapin sa Batangas City
sa Disyembre 5-6.